Patapon Na Buhay

kailangan ko po ng payo ninyo.grade 4 lang po ang inabot ko kaya pasensya na po kung d ako marunong mag english.ako po 32 year old na nag asawa po ako nung ako ay 24.nakapag asawa po ako na may pinag aralan 1po cya vet .med, mayroon po kmi 1 anak.noong una ok nman mabait na asawa at ama pero ngaun po malaki na ang pinag iba kung kailan lumaki na ang aming anak.ngayon pinaparamdam na nya skin na wala ako kwenta,ikinahihiya nya ako yong oblegasyon nya sa amin bilang asawat anak d na nya ginagampanan.pasalamat nalang kmi kung abutan kmi ng 1hundred,minsan 50 para sa 3beses pagkain sa maghapon pero pagdating sa barkada at bisyo nya madami sya pera.araw po syang lasing at sagana sa sigarilyo.naaawa na ako sa anak ko,masama po ba na humiling ako ng kunting oras para anak ko at pamilya .nagtry na po kmi umalis ng bhay pero bumalik kmi dhil ayaw ko iparanas sa anak na lumaki malayo sa ama.marami po katanungan sa isip ko at d pa kayang gawin disisyon.habang tumatagal lalong po ako nasasaktan.
tranch tranch
31-35
May 16, 2012